Ang Bagong Ako

Ako yung babaeng iniwan sa gitna ng bumubuhos na ulan sa Quezon Avenue dalawang taon na ang nakalipas. Teka, mali yung “iniwan”. Uulitin ko …

Ako yung babaeng UMASA sa gitna ng bumubuhos na ulan sa Quezon Avenue dalawang taon na ang nakalipas. Ngayon ko lang ‘to ikukwento. Ito yung araw na sinabi niyang “Magkita tayo.” Buong araw kong inisip ang mga sasabihin ko. Hanggang dumating ang alas singko.

Isang oras … dalawa … tatlo. Ilang beses akong nag text … “Naghihintay na ako.” … “Papunta ka na ba?” … “Dadating ka pa ba?”

Alas otso ng gabi bumuhos ang ulan na tila isang bagyo. At sa wakas ay sinagot niya ang mga text ko …


“Hindi pala ako makakapunta. OT ako.”

Kasing lakas ng buhos ng ulan ang mga luha kong nagbabadyang makawala. Gusto kong magalit noon sa mundo. Pero t*ng*n*! Ni hindi ko nagawang magalit sa kanya.


“Ah sige. Okay lang. Next time. Ingat ka pauwi mamaya.”

Siguro kung nakakapagsalita lang ang patak ng ulan … tatanungin ako nito ng … “On a scale of 1 to Mara, gaano ka ka-tanga?”

Haha.

Doon kami nagtapos. Ay. Teka. Walang kami. Walang natapos. Kasi akala ko lang pala may nasimulan.


“Gusto kita pero di ko pa kaya ibigay yung mundo ko.”

Natatawa nalang ako pag naaalala ko. Yung mga bagay na naisip ko simula nung hindi na niya ako kinausap bigla. Na baka mali nga ako. Baka may nasabi o nagawa ako. O baka boring lang talaga ako. Hanggang sa sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Ganun pala yun. Magagawa mong isisi lahat sa sarili mo.

Mahirap ba diretsuhin yung, “Hindi kita gusto.”?

Haha.

Nagawa ko ‘to ikwento dahil limot ko na yung sakit. At gusto kong ibahagi yung natutunan ko.

Hindi ko pinagsisihan yun. Dahil naging totoo naman ako eh. Mali lang sigurong umasa. Sabi nga nila … dapat hindi naghihintay ng kapalit.

Pagkalipas ng isang taon matapos yun … Pagkatapos ng mga sinabi kong … “AYOKO NA.” … “HINDI NA ULIT.” … “I’M DESTINED TO BE ALONE.”

Hahaha.

Pagkatapos noon … pinili kong maniwala ulit. Eto na yung bagong ako. Yung natuto na at matututo pa. Hinayaan ko nalang maging aral yung nakaraan. At pinili kong maging masaya sa kasalukuyan.

Eto na yung bagong ako …


Handa na muling masaktan.

Random Post

โ€‹Last night around 6:00 PM. On my way to work. It’s a rainy night and here are the songs that played in my dad’s car …

.Sila – SUD
.Tadhana – Up Dharma Down
.An old mellow song i don’t know but it’s good.
.Same Old Love?? – im not good at this
.We Can’t Stop – Boyce Avenue
.lady in red?.. – according to dad. haha idk tho.
.To Love Somebody – how? ๐Ÿ˜‚ (sing along with dad) them feels. Haha
.Babe I Love You
.Sad to Belong

.. well I was just trying to cheer myself up. It worked .. for a bit I guess.

I’ll be okay. I just need a pause for a while.

I’ll be writing again soon. 

Siguro?

โ€‹

Hindi mo alam … baka … pwede …

Ito yung nasa gitna ng oo at hindi.
Nasa pagitan ng tama  o mali.
Ang sagot sa aasa pa ba ako o hindi.

Siguro.
Oo siguro? Tama siguro?

Nakita mo ang pagluha niya isang araw …
Nalulungkot siya at kailangan ng karamay …
Siguro.

Nakita mo ang pagtitig niya sa iyong mga mata …
Nararamdaman mo ang bawat pintig ng puso niya …
Nararamdaman mo kahit walang salita.
At konti nalang papatak na ang luha.

Mahal ka niya …
Siguro.

Hindi mo alam?

Alam mo.
Hindi ka lang sigurado.
Naniniwala ka …
Ngunit takot kang alamin ang totoo …
Siguro.

Palagi nalang nag iisip.
Pinipilit iwasan ang sakit.
Hindi ko kayang sabihin.
Hanggang kailan ililihim?
Kailanma’y hindi ko dapat aminin.

Gusto mong malaman?
Gusto kong magtapat.
Ngunit alam kong hindi magiging sapat.
Siguro.

Siguro isang araw makakaya ko.
Siguro bukas o sa isang linggo.
Siguro sa isang buwan o sa susunod pa.

Sa ibang taon.
Sa ibang lugar.
Sa ibang panahon.

Sa panahong hindi ako,  ako.
At hindi ikaw, ikaw.
Sa panahong hindi ako masaya,
At sa panahong hindi ka nasasaktan.

Hanggang dito nalang muna …
Siguro.

Hihinto muna ako sa siguro.
Sa siguro may pag-asa.
Sa siguro magbabago pa.

Isa lang ang hindi ko sasabihing siguro …
Dahil ito ang nag-iisang sigurado …

Gusto kita..
Totoo.